HUNTER Umalis ako ng bahay at pumunta sa aking condo upang makapag-isip ngunit mas lalo lamang akong naguluhan. Ang bawat salitang binitawan ko sa babaeng iyon ay parang punyal na tumatarak sa aking puso. Dulot ng galit at pagkalito ay nasabi ko ang mga bagay na iyon. Hindi ko rin maintindihan ang aking nararamdaman. Tila ba sinabi ko ang mga bagay na 'yon hindi para ipamukha iyon kay Maxine bagkus ay para bang mas pinipilit kong paniwalain ang aking sarili na iyon nga aking nararamdaman. Upang ipaalala sa akin kung ano ba ang dapat kong mararamdaman dahil ang totoo unti-unti ko ng nararamdaman na mayroon ngang nagbago. Hindi ko rin gusto ang biglang paglukso ng aking puso nang makita ko napakaamong mukha ni Maxine nang dumating sya kanina. Hindi nakatakas sa aking paningin ang sakit sa