MAXINE Ilang araw kong hinintay ang pagbabalik ni Hunter sa bahay ngunit bigo ako. Inutusan ko si Brandon na sundan si Hunter at kung saan ito pupunta. Napag-alaman kong tumutuloy sila sa isa sa mga condo na pag-aari ni Hunter. Gusto kong sumugod at palayasin sila roon upang mapilitang umuwi ng bahay ngunit pinigilan ako ng mga magulang ni Hunter. Mas makakabuti raw kung bigyan ko muna ng panahon si Hunter upang mapag-isipan ang lahat ng nangyari. Labas man sa loob ko ay wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ako simula ng umupo ako rito sa upuan na kasama sa outdoor table set na narito sa aming garden. Nakaharap ako sa lamesa habang umiinom ng kape. Taimtim akong nag-iisip ng paraan kung paano makukuhang muli ang asawa ko. Tama