MAXINE Kahit pagod ay pilit kong tinatapos ang lahat ng kakailanganin namin para sa meeting bukas. SI Brandon ay kasalukuyang nasa banyo at naliligo. Kumunot ang aking noo nang marinig ko ingay mula sa doorbell ng kwarto. Kanina pa naihatid ang inorder kong pagkain kaya naman bigla akong napa-isip kung sino iyon. Dis-oras na ng gabi at sigurado akong wala akong inaantay na bisita kaya laking pagtataka kung sino ang nasa pinto. Sinilip ko ang peep hole ng pinto at mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng aking noo nang mapagtanto ko sino iyon. "What do you want, Hunter?" mataray kong bungad dito nang buksan ko ang pinto. "I want to check the papers that we need for the meeting tomorrow," blangko ang mukhang turan nito nito bago agad na pumasok sa loob ng aking kwarto. "Argh! It's already