MAXINE MAGHAHATING-GABI na nang makarating ako sa hotel kung saan kami mamalagi. Halos hindi rin ako nakapagpahinga buong biyahe dahil sa dami ng tumatakbo sa aking isip. Pakiramdam ko kahit anong ay maaaring sumabog ang ulo ko dahil sa labis na pag-iisip. Ilang minuto ang nilagi ko sa reception bago inabot sa akin ng receptionist ang key card ng aking kwarto. Agad akong nagtungo sa elevator saka mabilis na pinindot ang floor kung saan naroon ang aking kwarto. Bago pa man tuluyang sumara ang elevator ay mabilis na humarang ang isang kamay upang pigilan ang pagsara nito. Kung mamalasin ka nga naman. Sa laki-laki ng hotel na ito ay talaga nga namang hindi maiwasan na magkita kami dito. "You're here na!" masigla at maarteng turan ni Athena. Mayroon itong benda sa kanang kamay niya habang