MAXINE BUONG magdamag akong naghintay ng tawag mula kay Hunter ngunit nakatulog na lamang ako't lahat ay wala akong narinig na kahit anong balita mula kay Hunter. Nagising akong masakit ang ulo dahil sa kakulangan ng tulog. Agad akong bumangon at mabilis na naghanda upang magtungo sa opisina ni Hunter. Ngayon kasi nakatakda ang meeting namin sa iba pang mga investors na nagbabalak na magpull out ng mga projects nila. Kahit pa hindi naging maganda ang naging paghihiwalay namin ni Hunter kagabi ay hindi ko maaaring pabayaan ang resposibilidad ko sa kompanya. Tila nanglalata ang aking katawan, dala marahil iyon ng puyat at pagod. Kahit masama ang aking pakiramdam ay pinilit kong kumilos at pumasok sa opisina. Makalipas ang isang oras na biyahe ay nakarating na rin ako gusali kung saan naro