MAXINE TAHIMIK kaming kumakain sa sala habang ang aming mga mata ay tutok na tutok sa harap ng TV. Pinakikiramdaman ko ang bawat niyang galaw. Sa palagay ko ay malapit na akong atakihin dahil sa pagpipigil ko ng aking hininga dahil sa kabang dulot ng pagkakalapit ng aming mga katawan. Tumingin ako sa aking orasan at hindi ko namalayang maghahating gabi na pala. Masyado ata kaming nalibang sa panonood kaya hindi namin napansin ang mabilis na paglipas ng oras. "Anong oras ka uuwi?" tanong ko sa kanya habang inuumpisahang ligpitan ang aming pinagkainan. "Pinapaalis mo na 'ko?" nakakunot ang noong tanong nito. Pinamaywangan ko ito saka ako humarap. "At bakit? Wag mo sabihing may balak kang matulog dito?" mataray kong turan sa kanya. "Why not?" nakangising turan nito. "I think your unit is