MAXINE "Hunter!" rinig kong sigaw ni Athena mula sa kabilang pinto. Sabay kaming natigilan ni Hunter at bahagyang nagkatitigan. "Let her," wika ko bago muli syang sinunggaban ng halik. Mabilis din naman itong tinugon ni Hunter at nagpatuloy ang aming mainit na halikan. Hindi pa rin tumigil si Athena sa pagkatok ngunit pinagwalang bahala namin iyon. Sa mga oras na iyon, tila ba ang mundo ay amin lamang. Walang ibang tao bukod sa amin, itinapon na namin ang mga bagay na walang kinalaman sa aming dalawa. "Hunter, please don't do this," humihikbing tawag muli ni Athena mula sa kabilang bahagi ng pinto. Ang kaninang mahigpit nyang yakap ay nag-uumpisa ng lumuwag. Pilit kong binabasa ang kanyang reaksyon ngunit wala akong makita na kahit na ano. Doon na tuluyang bumitaw si Hunter sa pagkak