MAXINE Wala akong sinayang na oras nang makarating kami sa isla. Matapos kong mailagay ang aking mga gamit sa kwarto sa loob ng villa na tutuluyan namin ay agad akong pumunta sa restaurant ng isla. I've been here a couple of times and I'm already familiar with the whereabouts. Bukod pa dun ay tinawagan ko si Sancho na kung pwede ay magamit ko ang lahat ng amenities ng isla para sa pinaplano ko. Hindi naman ito tumanggi at agad na itinuro ako sa namamahala ng buong isla na si Gabbie. "Hi Ms. Maxine, tumawag po sa akin si Sir Sancho," bungad nito nang mapagbuksan ko sya ng pinto. Si Hunter ay sa katapat na kwarto ko nananatili habang si Athena ay sa pangalawang palapag ng villa naroon ang kanyang silid dahil dalawa lamang ang silid na narito sa baba. Mabuti naman kahit papaano ay tumupa