MAXINE This was supposed to be dinner for Hunter and I but Athena insisted on coming with us. Ayoko sanang pumayag dahil inihanda ko ang gabing ito para kay Hunter ngunit muntik ng magwala si Athena nang tumanggi akong sumama ito. Sa huli ay wala kaming ibang nagawa kung 'di pumayag na lamang. I need to get rid off her and I already have the best plan for that, turan ko sa aking sarili. Sigurado akong pagsisisihan nya ang pagpupumilit nyang sumama rito. Tahimik kaming nakaupo sa kwadradong mesa. Athena was sitting beside Hunter while I'm sitting across him. Hindi ko na rin ipinagpilitan ang pag-upo sa tabi ni Hunter dahil baka magwala na naman ito. Hindi tumikal sa pagkakalingkis sa braso ni Hunter. Kahit pa nga nang dumating ang mga pagkaing ipinahanda ko ay hindi ito natinag sa pagka