MAXINE HINDI pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon habang tinititigan ko ang kumikinang na singsing na nakasuot sa aking daliri. Hindi ko akalaing darating pa ang pagkakataong ito. Masaya na akong mahalin si Hunter nang walang hinihintay na kapalit ngunit ang tuluyang ipagkaloob sa akin ng Diyos ang aking hiling ay kalabisan na. Narito ako ngayon sa loob ng kusina at naghahanda nang makakain. Hunter insisted that he wanted to taste his favorite dish, Kalderetang baka. Madalas ko itong niluluto sa kanya noong bagong kasal pa lamang kami. Gusto ko kasi noon na ako ang bahala sa pangagailangan niya kahit pa nga ba madami kaming kasambahay noon. Napapitlag ako nang bigla na lamang may matitigas na kamay ang pumulupot sa aking baywang. "I missed you," narinig kong bulong niya mula sa akin