MAXINE "W-What did you say?" halos lumuwa ang matang tanong ko sa kanya. "S-Saan mo narinig ang mga salitang iyan?" gulat na gulat pa ring tanong ko. Hindi ito sumagot. Wala na ang ngising naglalaro sa kanyang mga labi. Seryoso na ang kanyang mukha dahilan upang mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. "I've done you so many wrong. Sa sobrang dami ay hindi ko na sigurado kung nararapat pa ba akong angkinin na ka," simula niya. "W-What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Litong-lito na ang aking isip. Hindi ko na malaman kung ano bang dapat kong isipin sa mga nangyayari. "Sinaktan kita, Max. Worst, mas pinili ko ang iba kaysa sa iyo. I don't deserve you in any way. Kahit pa nga ba ang makausap ka o makasama ka ay hindi nararapat sa akin dahil sa mga ginawa ko sa 'yo.