MAXINE MAGHAPON akong nagkulong sa aking silid nang makabalik ako sa mansyon. Hindi pa rin nawawala ang aking inis dahil sa nangyari kanina. What are they doing that I'm not supposed to see? Biglang naging malikot ang aking imahinasyon at unti-unting nabuo ang imahe ni Hunter habang nakaupo sa kanyang swivel chair habang ang babaeng kasama niya ay nakakandong sa kanyang harapan. "Arghhhh!!" malakas kong sigaw kasabay nang sunod-sunod at mabilis kong pagpaling sa aking ulo upang mawala ang imaheng iyon sa aking isip. "Bwisit ka talaga, Hunter! Bwisit ka!" malakas kong sigaw. Walang tao ngayon sa mansyon maliban sa iilang kasambahay at gwardiya dahil nakaalis na sila Mom and Dad kasama si Maddie patungo sa amusement park. Dahil sa sobrang inis ko ay dali-dali kong kinuha ang aking ma