MAXINE Kumakabog ang aking dibdib habang papasok ako sa loob ng gusali kung saan naroon ang opisina ni Hunter. I don't know why am I acting like this. Para akong misis na hinuhuli ang mister niyang may kabit. Exactly what you're doing now, Max. "Of course not!" Hindi ko namalayang napalakas pala ang pagkontra ko sa aking sarili kaya halos lahat nang kasabay ko sa loob ng elevator ay napalingon sa akin. Ang iilan sa kanila ay nanlaki ang mata nang makita ako. Dala marahil iyon nang pagkagulat nila nang makita nila akong muli sa gusali ni Hunter makalipas ang maraming taon. "G-Goodmorning, Ms. Maxine," bati ng isang empleyado na nakakakilala sa akin. Ang iba ay sabay-sabay na tumingin sa lalaking bumati sa akin bago nanlalaki ang mata at dali-daling bumaling sa aking upang bumati. "K