MAXINE Hindi na muling kumibo sa akin si Hunter o sinubukan akong lapitan matapos ang tagpong iyon. Pansin ko ang maghapon niyang pag-iwas sa akin. Kahit pa nga nang pabalik na kami sa Maynila ay bakas ko ang panlalamig ni Hunter sa akin. This is what I want. I should be jumping in glee but I feel the opposite. Pakiramdam ko tuloy ay malapit na akong masiraan ng ulo dahil sa pabago-bago ng aking pag-iisip. The moment he tried to get close to me, I always took a step back and move away from him. Ngunit ngayong siya na mismo ang kusang umiiwas sa akin ay tila naman sinisilihan ang aking puwetan at hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may ginawa akong mali. Mayroon nga ba? "Makakaahon ka pa ba?" untag ni Brandon dahilan upang mapabaling ako sa kanyang gawi. Abala ito sa pagmamaneho. Hindi