"Aray!" ingit ni Maxine nang dumampi sa kanya ang bulak na may alcohol. "Ang tapang-tapang mo kanina tapos ngayon alcohol lang umaaray ka," turan ni Brandon sa kanya. "Ano ba kasing nangyari at bigla na lang kayong nagpangbabag ni Athena?" usisa pa niya. "She threatened to hurt my child kung sakali raw na maging balakid si Maddie sa kanilang dalawa ni Hunter," kwento ni Maxine. "She's mental. Malala na s'ya. Hunter should definitely do something about her before it gets out of hand," wika ni Brandon. "Ano ba kasing iniisip ni Hunter at inimbita niya ang babaeng iyon dito kasama ang anak ko," inis niyang wika bago umismid. "Hunter definitely didn't invited her," sagot ni Brandon na siya namang agad na kinakunot ng kanyang noo. "H-Hunter didn't invited her?" ulit pa niyang tanong. "I'