MAAGANG nagising si Hunter kinabukasan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang lungkot sa mga mata ni Maxine dulot ng tagpong nangyari sa kanila ng gabing iyon. Pakiramdam niya ay napakalaking kasalanan ang nagawa niya kay Maxine. Kaya naman binalak niyang surpresahin ito ng masayang almusal. Maaga siyang bumangon upang ipaghanda ito ng agahan. Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa kwarto ni Maxine. Tatlong katok ang pauna niyang ginawa. He was hoping that she's already up. Makalipas ang ilang minuto ay wala siyang natanggap na tugon mula sa loob ng silid. Muli niyang sinubukang kumatok at ilang minutong naghintay ng tugon ngunit wala pa ring sumasagot mula roon. Doon na siya nagpasyang pumasok sa loob ng silid ng walang pahintulot dala na rin ng takot na baka maaaring may kung anong