MAXINE Habol hininga ako nang makarating sa aking silid. Hindi ko maipaliwanag ang biglaang paninikip ng aking dibdib dahil lamang sa simpleng paraan ng kanyang pagtitig sa akin. What's wrong with me? naiinis kong turan sa aking sarili. I can't accept the fact that he's mere presence still send turmoil into my being. Akala ko sa nakalipas na limang taon, kahit papaano ay nabawasan na ang nararamdaman ko para kay Hunter ngunit tila mas lalo lamang itong lumalim sa paglipas ng panahon. This is not a good sign! babala ko sa aking sarili. Hindi pa man halos nanunumbalik ang panatag kong paghinga nang mapapitlag ako dahil sa isang katok mula sa pinto. Tila muling dumagundong ang t***k ng aking puso dahil sa kaba. Kahit hindi ko silipin ay kilala ko kung sino ang nasa kabilang bahagi ng pi