MAXINE Hindi pa man ako nagtatagal sa loob ng aking silid ay sunod-sunod na malalakas na katok ang aking narinig mula sa pinto ng aking kwarto. "Maxine!" sigaw ni Hunter sa labas habang patuloy ang malalakas nitong pagkatok. Dali-dali kong inabot ang robe na nasa cabinet saka iyon sinuot. Nakasimangot akong binuksan ang pinto. What does he wants? "What?!" inis na bungad ko sa kanya nang buksan ko ang pinto. Bahagya pang nabitin sa ere ang kanyang pagkatok dahil sa biglaan kong pagbukas. Bukod sa kanya ay may isa pa itong lalaking kasama. Tumaas ang kilay ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. "This is a guest in the island. He's a doctor," wika nya. "So?" mataray kong tugon. "Stop being stubborn and let him check your bruises," bakas ang pagka-inis sa kanyang mukha. "Just