MAXINE Lihim akong nagpapasalamat sa pagiging makulit ng aking anak. Kung hindi dahil sa tawag niya ay baka kung saan na mapunta ang mainit naming halikan. Mula nang lumabas ako sa kanyang silid ay maghapon akong hindi lumabas sa aking kwarto. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa upang hindi ko na kailanman kailanganing harapin pa siya. Ilang minuto na akong palakad-lakad sa harap ng pinto. Nagdadalawang-isip kung lalabas ba ako o hindi. Gusto ko sanang tiyempuhan na lumabas kung kailan hindi ko siya makakasalubong ngunit paano ko masisigurado iyon? Hindi ko na mabilang kung nakailang lakad na ako sa harap ng pinto. Muntik akong mapatalon sa gulat nang makarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Sandali akong nanatiling tahimik. Gusto ko mu