MAXINE NAGISING akong wala na si Hunter sa aking tabi. Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot. Somehow, I wanted to wake up with him beside me. Bagsak ang balikat akong bumangon mula sa kama at lumabas ng silid. Bahagya pang kumunot ang aking noo nang bumungad sa akin ang humahalimuyak na amoy ng bagong brewed na kape. Parang bigla akong nananabik sa ideyang nasa kusina lamang si Hunter at naghahanda ng almusal para sa amin. Ngunit ang aking ngiti ay agad ding nawala when I find the kitchen empty. Naroon lamang ang ilang piraso ng croissant. Bukas din ang coffee maker na kakatapos lang magbrewed kaya pala amoy na amoy ang kape sa buong unit. Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit tila may kung anong lungkot ang bumabalot sa aking puso dahil nagising akong wala na siya. Hindi ko t