MAXINE Halos buong araw akong wala sa sarili dahil sa nangyari. Hindi pa din ako makapaniwalang nandito si Hunter kanina. Isa pa sa nagpapagulo ng aking utak ay ang mainit na halik na aming pinagsaluhan kanina. Simula noon ay tila hindi ko na nagawang mag-focus sa kung ano man ang aking ginagawa. Pilit na bumabalik ang aking isip sa imahe ng mainit naming halikan. Buong maghapon ay wala akong ibang ginawa kung hindi mag-isip kung ano ibig sabihin ng nangyari kanina. Isang linggo na din akong walang balita kay Hunter. Nagbalik na kaya ang alaala niya? If that would be the case, then why did Hunter didn't say anything? Habang pilit kong hinahanap ang sagot ay mas lalo lamang dumadami ang tanong sa aking isip. Huli na nang mamalayang kong gabi na pala. "We're almost finished clearing up