MAXINE "What was that?" nakakunot ang noong tanong ko kay Hunter habang pabalik kami ng kanyang sasakyan. Hindi niya ako binalingan ng tingin at nagpatuloy lamang ng paglalakad. Lakad-takbo akong sumunod sa kanya upang mahabol ko ang malalaki niyang hakbang. "Hunter, I'm talking to you," inis na turan ko sa kanya. "Get in," malamig nitong turan matapos buksan ang pinto ng passenger seat. Mabilis akong lumakad papalapit sa kanya bago huminto at tumayo sa kanyang harapan. "You can't just boss me arou—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang ilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking ulo bago pilit akong pinayuko upang makapasok sa sasakyan. Matapos tuluyang makapasok ay saka nito sinara ang pinto ng sasakyan at mabilis na umikot patungo sa kabilang side ng sasakyan. Nakahaluk