MAXINE "What are you doing here?" gulat na bungad sa akin ni Hunter nang madatnan niya ako sa labas ng kanyang opisina. Kasalukuyan akong nakayuko ng bahagya sa lamesa ng sekretary niya upang na maisa-isa nito sa akin ang development sa bawat project na iniwan ko. Nakapamaywang akong humarap sa kanya at nakataas ang isang kilay na sumagot. "Good morning, Hunter. I'm fine. It's good to see you, too," sarkastikong sagot ko. Mas lalo lamang kumunot ang madilim nitong mukha dahil sa pamimilosopo ko. Humugot muna ito ng isang malalim na hininga at pansamantalang pumikit. "I'm sorry," hingi nito ng paumanhin. "What are you doing here?" ulit nitong tanong ngunit sa pagkakataong ito ay kalmada na ang kanyang mukha. "You're parents didn't tell you?" takang tanong ko. "Tell me what?" ganting t