MAXINE Maaga akong nagising kinabukasan. Bahagya akong nagtaka nang hindi ako puntahan ng aking anak sa aking silid. Samantalang dati ay hindi ito maaaring bumangon nang hindi bumabati sa akin ng 'Good morning'. Marahil ay labis na nawili ang aking anak kasama ang kanyang ama, pati na rin ang kanyang lolo at lola. Matapos magligo at mag-ayos ay agad akong bumaba sa kusina upang ipaghanda ng agahan si Maddie. Agad na kumunot ang aking noo nang mapagtanto kong masyadong tahimik ang buong bahay. Tila ba walang tao roon. Sinilip ko ang sala, maging sa hardin, ngunit wala akong nakitang kahit na sino. Ang huli kong pinuntahan ay ang dining hall. Nahigit ko ang aking hininga nang mabungaran ko si Hunter na prenteng naka-upo sa gitnang silya nang mahabang hapag kainan. Tahimik itong sumisimsi