MAXINE Tahimik naming binabaybay ang daan patungo sa mansyon ni Hunter. Si Maddie ay bahagyang nakaidlipt sa sasakyan habang nasa biyahe. Walang sino man sa amin ang nagtangkang magsalita. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pahapyaw niyang pagsilip sa rearview mirror ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa paglalapit naming muli. Ngunit ayaw ko muna iyong isipin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kapakanan ng aking anak. Hindi ko man maibigay sa kanya ang kompletong pamilya na kanyang hininahangad, sana ay maging sapat para sa kanya ang lumaking kasama ang kanyang ama kahit na nga ba hindi kami masasabing isang buong pamilya. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na rin namin sa wakas ang mansyon ni Hunter. Ito ang tahanan kung saan kami nanirahan bilang mag-asawa ni H