Lorna "You only have 5 minutes for your guest," ani Tanner sa likod ko bago tuluyang bumukas ang rehas. Lumabas na ako at kaagad namang sumalubong sa akin si Denver. Niyakap niya kaagad ako ng mahigpit. "What the hell is he doing here?" matigas niyang tanong at sigurado akong si Tanner ang tinutukoy niya. Nilingon ko si Tanner at naabutan ko pa rin ang pagtitig niya sa amin ngunit nananatili pa ring blangko ang mukha niya at mga mata niya. Hanggang sa tumalikod na ito at muling pumasok sa loob. May ilang roving guard naman ang naririto at ang isa ay lumapit na sa amin. "Sit down, Sir. And no touching, please." "Wha--" "Upo na." Kaagad ko nang iginiya si Denver sa isang bakanteng mesa at silya nang tinangka pa niyang umalma sa sinabi ng roving guard na babae. Kaagad din naman si