Lorna Matiwasay naman kaming nakabalik ni Geraldine sa selda namin matapos naming maligo. "Huwag kang pakampante na tatahimik na lang si ugly duckling sa isang tabi porke't pinakitaan mo siya ng angas. Gaganti at gaganti siya, asahan mo na 'yan." Muli akong kinabahan sa sinabi niya. "Kaya dapat ay maging alerto ang lahat ng senses mo." "G-Gaano ka na katagal dito? Anong kaso mo? Paano ka nakulong?" "One week? Nagnakaw ng kamatis sa palengke." "S-Seryoso?" Bigla siyang tumawa habang tinutuyo na niya ang buhok niya gamit ang tuwalya niya. "I'm here on a mission," bulong niya kasabay nang pagkindat niya sa akin. "And don't spread it to anyone." Nangunot naman ang noo ko at hindi naintindihan ang sinabi niya. "By the way, you're Tanner's ex-girlfriend, right?" Napanganga akong bi