Lorena Ang sumunod na mga gabi ay halos kakaunti lang ang mga naging tulog ko. Mas pinalakas ko pa ang pakiramdam ko sa buong paligid. Kahit ang dalawa pang kasama namin ni Thess dito sa loob ay wala rin akong tiwala. Si Thess naman ay nananahimik ngunit alam kong nakikiramdam din siya. Minsan ko nang nakita kung paano siya lumaban nang may magtangkang mam-bully sa kanya dito sa loob. Iba rin siya kung kumilos kaya nahihiwagaan ako sa pagkatao niya. Napatanaw akong bigla sa labas ng rehas namin habang nakahiga dito sa kama ko sa itaas ng double deck. Even at night, there are still security officers roving around here. Our bars are closed at night, but they are not locked. Nasa labas kasi ang toilet bowl namin at kinakailangan pa rin 'yon ng mga preso kahit gabi. So, they are still fre