Muka ba akong nagbibiro? O baka pa hard to get lang siya. "Charlie, kung sa tingin mo nagbibiro lang ako hindi ako makikipag-usap sayo ng ganito. Hindi kita papapasukin dito. Langya talaga, ako itong babae pero ako pa itong nanliligaw," wika kong naiiling. Bigla akong natawa sa aking sarili dahil ang lakas ng loob kong magtapat sa lalaking kaharap ko ngayon. Na kung tutuusin ay hindi ko pa masyadong kilala. So ano naman? Eh, gusto ko siya, e. Walang kasiguraduhan kung gusto niya rin ako, gayunpaman ay hindi ako mahihiyang magtapat sa kanya. Mainam na ngayon pa lang ay malaman ko na para hindi na ako umasa pa. Ilang segundo ang lumipas ay wala pa rin akong naririnig na sagot sa kanya. Pakshit! Baka he's not interested in me. Or maybe he's just see me as a friend. Sa ekspresyon ng kanyan