Dahan-dahan kong nilingon ang comfort room kung saan pumasok si Mel. Hindi ako sigurado kung magtatagal pa siya sa loob, upang makasiguro ay tinungo ko ang comfort room at idinikit ang aking tenga sa may pinto. Narinig ko ang pagdaloy ng tubig sa faucet. Palagay ko'y matatagalan pa siya sa paglabas kaya naman mabilis kong pinuntahan ang kanyang laptop na nandoon sa may balkonahe. Sandali ko itong tinitigan upang kabisaduhin ang pagkakaayos nito bago iwanan ni Mel kanina. Nilingon ko ang pinto kung nasaan pa siya naroon at pagkatapos ay kinuha ko ang Usb na nasa bulsa ng aking pajama. Hinawi ko ang screen ng laptop paitaas at sa paghawi ko ay bumungad sa akin ang mga impormasyon na bubuo sa aking pag-iimbistiga. Mayroon lang akong sampung segundo upang kopyahin lahat ng files nandito sa ka