"Hindi. Nagtataka lang ako. Hindi ko na kasi siya nakita simula nang bumalik tayo galing Korea. Diba, Kuya," sabi ko saka sinubo ang pagkain nasa aking kutsara. "Yeah, wala na rin akong balita sa kanya," saad ng aking kapatid. Hindi na rin ako nagtanong pa sa kanila. Itinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain na nasa aking harapan. Kumain ako hanggat kaya pa nang aking tiyan. Matagal ko din na hindi matikman ang luto nang aking ina. Kaya hanggat kaya kong kumain ng marami ay gagawin ko. Lumipas ang ilan pang mga minuto ay natapos na rin kaming mag dinner. Hindi na rin ako nagtagal dahil lumalalim na ang gabi. Nasa pinto ako at ang aking ina ay nakamasid sa akin. Kahit hindi siya magsalita ay alam kong nababalot na siya ng lungkot panay kasi ang buntong hinga niya at palagay koy nagpipig