SUMAPIT ang tanghalian at heto kaming tatlo naglalakad papasok sa mamahaling restaurant na pinili ng aking pinsan. Panay ang lingon niya sa paligid. Nagbabaka sakali siguro na may babae siyang mabibingwit. "Sa susunod, magdala ka nang lambat para marami kang mahuling hipon," ani kong matalinghaga at siya'y lumingon sa akin. Iniyuko niya ang kanyang ulo dahil hindi ako katangkaran kung ikukumpara sa kanilang dalawa ni kuya. "What? Hipon?" he asked. "Hipon, tapon ulo kain katawan. Girls here are like hipon," I said and slightly grinned. "Mel, can you please shut up your mouth. Babae kapa naman," saway ng aking kapatid na akala mo napaka bait, eh, ubod din ng sungit. "Na--ah, I say what I want." May lumapit agad sa amin na waiter saka inihatid kami sa table na pina reserved ng aking pin