Kinuha ko agad ang isang basong may tubig at ininom. Muntik na akong mabulunan. Hindi pala nila alam na nandito pa si Zoo. Ang alam nila ay nakabalik na ito ng Amerika. Pasimple kong kinuha ang cellphone sa aking sling bag at tinignan ang aking cellphone. Sa screen pa lang ng phone ko ay naka rehistro na doon ang number ni Zoo. Nag-message ito na agad ko ding binuksan. I'm coming tonight, I tracked the eight men. Pagkatapos kong basahin ay inilagay ko agad ang cellphone sa sling bag at tumuloy sa pagkain. "Binisita kaba ni Zoo, Mel?" mayamaya ay tanong ni Zack. "Yes. Noong nakaraan na nandito pa siya." "I see," aniya. "Mukang seryoso talaga siya sa propesyon niya. Bihira na lang ang pag-uwi niya rito. I'm amazed na isa na siyang sundalo ngayon," sabat naman ng aking kapatid. "Exactl