Di ko naiwasan ang tumawa dahil sa gesture niya na ang cute tignan. Mukang inosente ang isang ito. "I'm Mela, you can call me Mel, para madaling tandaan." Tumango siya saka ngumiti. Inilahad niya ang kanyang kamay na agad ko ding inabot upang makipag shakehands. "I'm Charlie," pakilala naman niya. "Nice name," sagot kong di maalis ang tingin sa kanya. "Tapos ka nang mag grocery?" saka ko tinignan ang basket na bitbit niya. "Yeah. How about you?" "May bibilhin pa ako," sagot ko at siya naman ay tumingin sa basket na nasa tabi ko. "Sabay na tayo. I'll wait you," sagot niya. Habang kausap siya ay pasimple kong tinignan ang kabuuan ng kanyang mukha. Malakas ang dating niya, marahil ay bumagay sa kanya ang maalon niyang buhok na medyo may pagka-brown. Pati ang suot niyang damit na kahit s