Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mga tauhan ni Dave ngunit bago pa maitutok ng mga ito ang baril sa amin ni Archer ay sunod-sunod na pagputok ang pinakawalan ni Archer. Isa-isang bumagsak ang mga tauhan ni Dave hanggang sa maubos ang mga ito. Hindi ako natinag sa putok ng baril, nakatuon pa rin ang mata ko kay Dave. Nagbabantay sa susunod nitong pagkilos. Bago pa man din itutok ni Archer ang baril kay Dave ay nagmadaling lumapit sa pwesto namin si Dave. Pumormang isaksak ito kay Archer kaya naman itinulak ko siya upang iwasan ang patalim. Parehas kaming sumubsob ni Archer sa sahig at ang patalim na iniwasan namin ay dumaplis sa aking braso dahilan para hawakan ko ang sugat na nag-umpisa nang dumugo. "Mel, ang braso mo," pag-aalalang sambit ni Archer. "I'm okay, daplis lang ito