NUMBER Twenty five, Twenty four and Twenty three. Maingat at pasimple kong inililibot ang tingin sa buong paligid sa loob nitong casino. Panay ang daan ng mga taong aking nakakasalubong. Nakangiti habang kumukuha ng inumin sa tray na aking hawak. Nang maubos ang inumin na aking dala ay muli akong nagtungo sa bartender na nagbibigay ng mga inumin. "Bago ka dito?" tanong niya sa akin. "Yes," tipid kong sagot at tinitigan niya pa ako ng ilang segundo. Naiirita na ako sa ginagawa niyang pagtitig kaya kinuha ko mula sa kamay niya ang bote at ang dalawang baso upang ako na ang magsalin. "I'm sorry, hindi ko kasi matandaan na pinakilala ka nang manager namin," aniya at kumuha pa ng tatlong baso. Inilapag ko ang bote at siya naman ang nagsalin ng mga alak sa mga basong idinagdag niya. "Thanks