Nagpatuloy sa panginginig ang kanilang boss at ang mata nito ay hindi na nagawang kumurap. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas na ang dugo sa bibig nito. At ang pangingisay ay lalong tumindi na hindi na nagawa pa ng isang tauhan na pigilan. "Ahh!" "Ahh! Patay! May patay!" Sunod-sunod na tilian ang namayani sa aming kinaroroonan at ang mga tao sa silid kung saan kami naroroon ay nagtakbuhan. Binuhat ng dalawang lalaki ang kanilang boss na wala nang buhay. Ang iba pang tauhan nito ay nagsilapit na rin aming pwesto. Hindi ako maaaring magtagal dahil mayamaya lang ay babalik na sa normal ang video footage sa mga CCTV na nakapaligid dito. Lumakad ako at mabilis na lumayo. Sumabay ako sa mga taong nagmamadali nading lumabas. Habang naglalakad ay pinindot ko ang device na nasa likod ng