ITINIGIL ko ang pagba-browse sa computer nang makarinig ng katok mula sa pinto ng aking opisina kung saan ako naroroonan. "Come in." Agad na pumasok ang empleyado na may dalang mga folder. Nakangiting nakatingin habang lumalakad palapit sa aking mesa. "Good morning po. Ma'am, for sign lang po." "Iwan mo na lang dyan," sagot ko na inilapag naman nito kaagad ang mga folder na dala. Paglabas nito ay mayroon na namang kumatok sa pinto. "Come--" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil pumasok na agad ito. Pangiti ngiti siyang lumapit sa akin habang may hawak na tasa na nasa kanang kamay niya. Kala niya siguro palalampasin ko ang ginawa niyang pagpabor para mapalayas ako. Hambog talaga ang higanteng ito. Gusto ko siyang sipain para naman kahit papaano ay makaganti. Sa taas niyang six