PAGSAPIT ng alas-kwatro ng hapon ay nag-desisyon na akong umalis. Wala na rin namang pumasok sa opisina ko upang magpapirma kaya isinukbit ko na sa aking balikat ang maliit na sling bag. Paglabas ko pa lang ng opisina ay lingunan agad ng mga empleyado sa akin na mabilis din nilang inalis ang pagkakatitig sa akin. Yung iba naman ay nakayuko. Tahimik ang paligid at ang tanging yabag ng aking takong ang naririnig. Tinungo ko ang opisina ng aking kapatid at kumatok sa pinto. "Come in." Pinihit ko ang door knob at hindi na ko pumasok sa loob, bagkus ay nagsalita na ako habang siya'y abala sa pagbabasa ng mga papel na nasa kanyang desk. "I need to go." "Take care, message me 'pag nakauwi kana," he answered na hindi na ako nilingon kaya sinara ko na din ang pinto. Habang lumalakad ay wala pa