ELEVEN in the evening. "MA'AM, nandito na po ang mga pinahanap mo." Bumaling ako kay Zoo na abalang nagmamaneho ng sasakyan. "They got them, Zoo," saka muling idinikit ang cellphone sa aking tenga. "Malapit na kami. Make sure na walang makakatakas sa mga yan." "Yes, ma'am," sagot ng aking tauhan sa kabilang linya saka ko pinutol ang tawag. "We need to hurry. Baka manlaban ang mga bihag," ani ko na agad namang binilisan ni Zoo ang pagmamaneho. Sa sobrang bilis ay napahawak ako sa aking upuan. "Zoo, gusto mo bang bumangga tayo?!" inis kong sambit saka sinulyapan ang aking pinsan. "Sabi mo bilisan?" sagot niya saka hinithit ang kanyang yosi na nasa isa niyang kamay. "Bilisan, hindi paliparan! Magkaiba yon! Puta ka!" Isang malutong na mura ang namayani sa loob nang sasakyan na tila walan