Kulang pa ang mga luhang yan kung kukumpara sa luha namin nung araw na kami ay nagmamakaawa sa mga lalaking ito. Tiimbagang kong binalingan ang lalaki na kanina pa nagsisigaw dahil sa sakit. Unti-unti siyang huminto sa paggalaw at ang boses niya ay humina na din. "Pa--pa--parang a--a--wa mo na," pagsusumamo nito habang humagulgol ng iyak. Sumenyas ako sa aking tauhan na nakatayo di kalayuan sa aking pwesto. Agad itong lumapit sa akin. "Tama ba? They sell young girls?" I asked. "Tama po, Ma'am. Seven years old ang pinaka bata at Sixteen years old naman ang pinaka matanda. They sell kids to become a se---" "Puta!" Bigla akong napamura na kahit hindi natapos ng aking tauhan ang pagsasalita ay alam ko na ang sasabihin nito. Malakas na tadyak ang aking binigay sa lalaking nasa aking paanan.