TRANSFEREE DALI-DALI akong bumaba ng sasakyan ng huminto ito sa malaking gate ng paaralan na aking papasukan. "Senyorita, ingat po," habol na sambit ng driver habang ako'y nakahawak sa pinto ng sasakyan. "Ingat din po," sagot ko saka isinara ang pinto. Nagmadali akong puntahan si Zooey na nasa loob ng gate. Kumakaway na ito sa akin at halata ang excitement sa kanyang mukha. Ito ang unang araw namin na kami ay nasa grade Ten na. Excited din kami dahil panibagong kamag-aral na naman ang makakasama namin sa taon na ito. "Ang tagal mo naman. Kanina pa kaya ako dito," sambit niya agad saka ngumusong umirap sa akin. "Natrapik kami. Sorry na," sagot ko saka umakbay sa kanya at nagtuloy sa paglalakad. "Buti nalang magka-klase tayo," aniya habang kami ay naglalakad papasok sa malaking buildin