SCHOOL HEARTTHROB SABAY kaming tatlong lumalakad sa kahabaan ng hallway ng umagang iyon nang biglang sumulpot si Dave sa aming harapan. Agad itong umakbay sa akin na agad ko namang tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa aking balikat. "Good morning," bati nito sa akin saka sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Napaismid ako at sinamaan siya ng tingin ngunit dinaan niya lang sa bahagyang pag ngiti. Hindi talaga nawawala ang kapreskuhan ng lalaking ito. Ang hilig niya talagang mag pacute. "New student?" tanong niya nang mapansin si Julie na nasa aking tabi. Humakbang siya palapit kay Julie na agad ko namang iniharang ang aking katawan. "Si Julie, klasmyt namin," wika ko. Ngumiti si Dave at humakbang patagilid upang makita ang kabuuang mukha ni Julie. Muli kong hinar