S's M-85

1294 Words

Lahat kami ay napayuko nang may balang tumama sa aming direksyon. Sunod-sunod na putok ng baril ang namayani ng mga oras na iyon. Alam kong wala na kaming oras at kailangan na naming umalis, ngunit paano? Pinauulanan nila kami ng bala. Nagtago ako sa gilid ng sasakyan upang iwasan ang suno- sunod na putok ng baril. "Umalis na kayo," sigaw ko sa aking mga tauhan. Hindi ko alam kung may tinamaan na sa kanila dahil patuloy pa rin ang pagbaril sa amin. "Ma'am, tara na!" sigaw ng isa kong tauhan. "Ma'am, tinamaan po ang isa nating kasama!" sigaw naman ng isa. "Pakshit! Patay ba?!" sigaw ko. "Daplis lang, Ma'am!" sagot naman nito. May dumating na sasakyan at nang silipin ko iyon ay sasakyan iyon ng aking tauhan. Nagmadaling pumasok ang tatlo. Ako naman ay nanatiling nakatago sa gilid ng s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD