ISINANDAL ko agad ang aking likod sa pinto nang makapasok sa bodega kung nasaan ang aking mga sasakyan. Hawak-hawak ko ang aking tagiliran upang pigilan ang pag-agos ng dugo. Halos maubos ang lakas ko kanina habang nagmomotorsiklo, kahit daplis lang ng bala ang aking natamo ay sobrang sakit pa rin. Nangangamba din ako na baka pinasundan niya ako. Sa mukha ni Mel kanina ay halatang gusto niya talaga akong patayin. "She's not afraid, malakas talaga ang loob niya." Kahit ngumingiwi ang aking mukha sa sakit ay di ko pa rin mapigilan ang ngumiti. Di ko kasi makalimutan ang ginawa ko kaninang pagsukbit ng strap ng dress sa kanyang balikat. Hindi ko rin natagalan na tignan siya. Lalo lang akong kakabahan dahil nakakaakit ang itsura niya kanina. Ring! Ring! Natigil ako sa pag-iisip saka kinuha