NAKA-KRUS na braso at seryosong mukha ang nabungaran ko papasok sa opisina ng aking kapatid. Sa itsura pa lang niya ay halata kong galit siya. Hindi na ko magtataka dahil tatlong araw akong di pumasok at hindi rin sumagot sa tawag niya. "Good morning," bati ko saka isinara ang pinto. "What do you want to talk?" saka ako lumapit sa kanya at umupo sa silyang kaharap ng kanyang mesa. "Where have you been?" he asked. Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi nagbago ng seryoso niyang tingin. "Sa condo, I was there for three days," "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Hindi ko na nagawang ngumiti sa halip ay inirapan ko na siya, bumuntong hinga at diniretso ang aking tingin sa bintana. "Answer me." Lalong sumeryoso ang kanyang tinig at ang mukha niya ay dumilim. Sigurado akong nagpipigil na s