Pagkatapos naming mananghalian ay dumiretso agad kami sa Lake na tinutukoy niya. Kaunti lang ang mga taong nandito at puro magkakasintahan pa. Nauna siyang naglakad at nilapitan ang matandang lalaki na nakaupo sa may gilid. May tarpaulin itong katabi na may nakasulat. Twenty pesos entrance fee. Pagkalapit ni Charlie sa matanda ay inabutan agad niya ito ng bayad. "Nandito ka na naman?" wika ng matanda. Palagay ko'y magkakilala na silang dalawa. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan habang nasa tabi ako ni Charlie. "May ipinasyal po kasi ako," ani ni Charlie. Ibibigay sana ng matandang lalaki ang sukili ngunit tinanggihan niya ito. "Wag na po." "Salamat. Lagi ka na lang hindi tumatanggap ng sukli," ani ng matanda at ibinaling ang tingin sa akin. "Ito na ba ang nobya mo?" Bahag