Inabot din ng halos kinse minutos ang aming byahe patungo sa kainan na tinutukoy ni Charlie. Mainit na ang sikat ng araw at nang tinignan ko ang wrist watch na nasa aking kanang kamay ay alas onse na ng tanghali. Ipinark namin ang aming motor sa tapat ng kainan. Marami na ring mga riders at bikers na kumakain ng mga oras na iyon kaya yung ibang customer ay nasa labas pa. Naghihintay ng upuan at mesang mababakante. "Resto ito?" nagtatakang tanong ko habang binabasa ang mahabang tarpaulin na nasa itaas na bahagi ng kainan. Mang Jose Bulalohan. "Oo. Wait here, magpapareserved muna ako," sagot niya at lumakad papasok sa loob. Ang iniisip kong resto ay 'yung may waiter at may security guard na nagbabantay sa entrance. Mali pala, dahil iba ang nakikita ko ngayon. Simple ang itsura, maaliwalas