KASALUKUYAN kaming nanunuod ng telebisyon habang kumakain ng hapunan. Ganito din ang set up namin nung una kaming nag-dinner na magkasama. Panay ang sulyap ko sa kanya, hindi ko maiwasan ang sarili ko na tignan siya. Kahit ang kalahating mukha lang niya ang aking nakikita ay hindi nabawasan ang kabang nararadaman ko simula pa kanina. Kakaibang kaba na sa totoo lang gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Ganito din kaya ang nararamdaman niya ngayon? Totoo na kaya ito? Para ako pa itong nahihiya sa kanya na itanong ang mga bagay na ito, hindi ko naman ito gawain dati. Kung ano man ang namamagitan sa amin ngayon ay hanggang doon lang. We're in a relationship na hindi namin alam kung mag-wo-work out. I wish magtagal kami. Nangyan! What the f**k! Ano ba itong naiisip ko?! Ang dapat kong isip