HOME STUDY PAGBABA ng sasakyan ay hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa pagkakahawak sa akin. Hanggang sa makarating kami sa bungad ng pinto ay di niya pa rin ako binibitawan. Habang papasok sa malaking pinto ay nandoon naman si Mommy na nakatayo malapit sa mahabang sofa. May sandwich at juice nang nakahanda doon sa lamesita na kaharap ng mahabang sofa. "Hi Auntie," bati ni Zoo kay Mommy saka yumakap at bumeso. Pagkatapos ay kumuha agad ng sandwich si Zoo na nasa lamesita. "Auntie, si Julie po, klasmeyt namin ni Mela," aniya, saka tinuro si Julie na nasa tabi ko. Humakbang palapit sa amin si Mommy na naging dahilan ng mas mahigpit na paghawak ni Julie sa aking kamay. "Mabait si Mommy," ani ko at ngumiti sa kanya. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Hindi kapu